haynakers! ang hirap naman pag ignoramus ka sa blogging...inabot na ako ng katapusan ng santinakpan kakapalit ng template at kakasearch sa google, wala pa rin akong magustuhan..at kung may magustuhan man ako eh di naman nag-aappear..ANO BEH??!!!

well, ika nga eh try and try until you die este until you succeed..pero siguro pag marami na akong oras para magsayang ng panaho ko paglalaanan ng pansin ang searching template galore at ito nga...isiningit ko lang ang pagpopost dahil medyo workaholic ang drama ni sisa ngayon araw na itez..kunwari busi-busihan..kunyari lang..

pero im glad na marami akong achievement ngayong araw na ito..marami akong natrabaho at kahit papaano eh nagkaroon ako ng silbi hehe..

medyo sad lang ng konte kasi yung cook sa restaurant na kinakainan ko eh hindi pa kami bati...ewan ko ba sa kanya..siya na nga ang nakasakit..siya pa ang may ganang magalit...pero ika nga..being kind is more important than being right..at dahil anak ako ng Diyos eh pipilitin kong makasundo at pakisamahan lahat ng taong makakahalubilo ko ng sa ganun di ako manakawan ng joy because of anger...

eskapo muna ako..


Mga Komento