LAFF TRIP

  • Agaw-Buhay Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan. Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa. "Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat sa iyo." "Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo." "Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........" "Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang importante ay nasa tabi mo ako sa huling sandali mo rito sa mundo." "Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita sana ay patawarin mo ako." "Alam ko iyon mahal, kaya nga kita NILASON di bah?."
  • PLANE AT LAST!! Passengers on a Philippine Airlines flight heard this announcement from the captain, Capt. Juan Amorpropio: "Mga kababayan, I am sorry to inform you that we have lost power in our engines and we'll shortly crash into the ocean" The passengers were obviously very worried about this situation but were somewhat comforted by the captain's next announcement: "Mga kababayan, we at Philippine Airlines have prepared for such an emergency and we would now like you to rearrange your seating so that all the non-swimmers are on the left side of the plane and all the swimmers are on the right side of the plane" As commented by one of the passengers: "Galing, that's what i like about PAL, always has some contingency measures of some sort!, I hope they help me out coz' i definitely don't know how to swim." After this announcement all the passengers rearranged their seating to comply with the captain's request. Two minutes later the captain made a belly landing in the ocean. The captain once again made an announcement: "Mga kababayan we have crashed into the ocean. All of the swimmers on the right side of the plane, open your emergency exits and quickly swim away from the plane. For all of the non-swimmers on the left side of plane THANK YOU FOR FLYING PHILIPPINE AIRLINES."
  • OLD CHINESE IN DEATH BED "Akyen junior 'ndyan ba?" "Dito po!" "Akyen panganay 'ndyan ba?" "Dito po!" "Akyen daughter 'ndyan ba?" "Dito po!" "Akyen asawa 'ndyan ba?" "Dito din po!" "Walahiya! Dito kayo lahat! Wala tao tindahan!"
  • SINAMPAL Wife sinampal ang asawa. Wife: Sino si Jasmine sa panaginip mo? Husband: Yung kabayong bet ko sa karera! NEXT DAY...sinampal ulit. Husband: baket? Wife: Tumawag ang kabayo mo!
  • MAGANDA Mare 1: Naku mare, ang gaganda ng mga anak mo! Mare 2: Talaga, mare! Hay naku kung asawa ko lang ang inasahan ko hindi sana mangyayari yan!
  • LOTTO HUSBAND: (SHOUTING!) Honey, mag-empake ka na, nanalo ako sa lotto. WIFE: Wow! Anong dadalhin ko? HUSBAND: Wala akong pakialam, basta lumayas ka na!
  • ADIK SA SABONG ISANG ARAW SI PEDRO WALANG PAMBAYAD SA ENTRANCE SA SABUNGAN. KAYA UMISIP SIYA NG PARAAN PARA MAKAPASOK SA SABUNGAN. KASI SA TUPADA O PINTAKASI KUNG MAY DALA KANG MANOK LIBRE ANG PASOK. KAYA ANG GINAWA NI PEDRO HUMULI SIYA NG SISIW, SIYA ANG DINALA SA SABUNGAN. PAGDATING SA ENTRANCE SINITA SIYA, GUWARDIYA: BOSS KUNG WALA KAYONG DALANG PANSABONG NA MANOK KAILANGANG MAGBAYAD HO KAYO NG ENTRANCE. PEDRO: ABA EH! MAY DALA NAMAN AKONG MANOK HA! GUWARDIYA: EH!BOSS SISIW PA LANG ANG DALA NINYONG MANOK. PEDRO: EH! BOSS YONG TATAY MAY LABAN, MANONOOD!!!
  • NAKABAWI Isang binatang nasisiraan ng ulo ang isinugod sa pagamutan ng mga baliw sa Mandaluyong City . Tawa nang tawa. Humahagikgik, humahalakhak at walang tigil. Siyempre, bagong pasok ay ininterbyu siya ng naroong doktor. "Rodel po ang pangalan ko. Mayaman po kami. Ang totoo po, may kakambal ako. Magkamukhang-magkamukha kami at halos ay wala kaming pinagkaibahan. Dahil sa sobrang pagkakamukha namin, sa eskuwelahan, kapag may test kami, siya ang kumukuha para sa akin." Tatangu-tango ang doktor. Sa isip- isip niya'y mukha namang matino ang binata. "Minsan nga po, nang mapaaway siya sa isang bayan, ako ang nakulong. Ang malungkot po na hindi ko malilimutan ay may girlfriend ako na mahal na mahal ko.. Siya ang nakatanan. Napagkamalan niya ang kakambal ko." paliwanag ni Rodel. "E, bakit mukhang masayang-masaya ka ngayon?" usisa naman ng doktor. "Kasi po, nakabawi naman ako. Noong isang linggo, namatay ako. Siya ang inilibing."
  • NABANGGA ANG KOTSE Isang Umaga sa Kalye, meron kotseng umaatras: Driver: "Pare pakitingnan kung mababanga ako" Taga-Sigaw: "Sige po ser!" at ilang sandali na lang.... Taga-Sigaw : "KASYA! KASYA! KAAASSSYAAAA!" .... at bigla na lang bumanga yung kotse *blaagag* Driver : "Nakupo keplos nabanga!" Taga-Sigaw :"ANO KA BA NAMAN SABI NG ME PUNO NG KASYA EH!!! TRAS KA NG TRAS!!!" Driver: napakamot ulo
  • KUWENTONG PARI ULI Minsan, isang pari ang naligaw. Hindi niya makita ang kalyeng hinahanap. Nagtanong siya sa isang bata. "Anak, saan ba ang daan patungo sa Kalye Balong-bato?" tanong ng pari. "Father, diretsuhin n'yo lang po itong daan at pagdating sa ikalawang kanto ay iyon na po ang Kalye Balong-bato," turo ng bata. "Salamat, anak! Dahil sa iyong kabutihan ay hayaan mong ituro ko sa iyo ang daan tungo sa kalangitan!" tuwang pasakalye ng pari. Nagalit ang bata, Father! Ang yabang-yabang n'yo! Kung `yung daan lang patungo sa Balong-bato ay `di n'yo alam, `yun pa kayang daan patungo sa langit?"

  • ANG SUKLI Nagdarasal nang taimtim si Kiko sa simbahan, "Diyos ko! Tulungan n'yo po ako, naholdap ako at wala akong pamasaheng pauwi. Maawa po kayo, kahit limang piso lang..." Naawa ang Diyos at binigyan siya ng sampung piso. Laking pasasalamat ni Kiko, "Napakabait N'yo po! Maraming salamat po sa ibinigay Ninyo sa akin!" Biglang nagsalita ang rebulto, "Hoy, sukli ko! Limang piso lang ang hinihingi mo!"
  • · ANG SULAT Dear Charo, Nais kong ikuwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hindi ko kayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon. Malakas ang ulan noon. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang sa loob ng aking kuwarto. Narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya dahil ama ko po siya. Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado ang pinto. Hinawakan ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako, sabi ko "ITAY huwag, anak mo ako!". Ngunit hindi tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginawa. Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha ng aking tatay sa kanyang ginagawa. Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto. Sumisigaw na, "Hayop ka wag mong gawin yan sa anak mo." Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na lamang ang sarili ko sa Diyos. Pagkalagpas ng ilang oras ay natapos din ang aking Itay. Nang humarap ako sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita. Magaling naman pala mag-make-up si Itay. Noong gabi na iyon ay nagladlad ng kapa si Itay. Bakla pala siya. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon at nagiyakan. Masaya na kami ngayon at walang problema. Yours truly, BADONG
  • Pag Americano umutot: EXCUSE ME! Pag British naman: PARDON ME! Pag Espanol: EXCUSAR POR QUE UTUTAR! Pag Pinoy: Di ako yun! Mamatay na ang umutot!
  • Katatapos lang basbasan ng pari ang isang presong nakaupo sa silya-electrika. PARI: "Mayroon ka bang nais na hilingin bago ka bawian ng buhay?" PRESO: "Opo." PARI: "Ano yon, anak?" PRESO: "Pwede po bang hawakan n'yo ang kamay ko hanggang bawian ako ng buhay?"
  • KUMPISAL Tulume: Father, patawarin po ninyo ako. Pari: Ano ang kasalanan mo? Tulume: Nagnakaw po ako ng limang manok. Pari: Magdasal ka ng limang Ama Namin. Tulume: Father, walong Ama Namin na po ang dadasalin ko. Babalikan ko pa 'yung naiwang tatlong manok
  • HIWALAY Husband: "Parati na lang tayo away! Maghiwalay na lang tayo!" Wife: "Sige, maghati tayo ng mga anak!" Husband: "Akin ang mga guwapo at maganda!" Wife: "Sus! Pinili pa yung hindi kanya!"

  • Lumulubog ang barko... Pari: San Pedro! San Jose ! San Juan !.... Madre: Sta. Maria! Sta. Clara! Sta. Lucia!... Intsik: Ano beyan! lubok na bahko tawak tawak pa kayo pasahero!!!
  • Sa seminario: Madre: "Father, pagsabihan mo naman yung mga seminarista. Umiihi sila sa pader!" Father: "Sister naman. Maliit na bagay, huwag mo nang pansinin!" Madre: "Naku, Father, malalaki po!"
  • MAGNOLIA Ice Cream will introduce their new Presidential Flavors starting tomorrow. There are two(2) New flavors.... Impeach-Mint and Subpoena-Colada..... They will change the name of two(2) more flavors....Halo-Halo will be named Helo-Helo-Garci; and Buko-Lychee will be named Buko ka na- Lyche ka pa.
  • KRIMINAL: KRIMINAL 1: "Pare, sigurado ka bang dito dadaan yung papatayin natin?" KRIMINAL 2: "Oo, nagtataka nga ako, 1 oras na tayo dito, wala pa rin siya! Sana naman walang nangyaring masama sa kanya..
  • Juan: San ka galing? Pedro: Sementeryo, libing ng byenan ko. Juan: E bakit puro kamot ang mukha at braso mo? Pedro: Mahirap ilibing eh... Lumalaban!!
  • "Huwag po nating salubungin ang mga bumababa. Hindi po natin sila kamag-anak." - LRT OPERATOR "

Mga Komento